Sa huling pagkakataon ko sa paggawa ng "Learning Log for Data Networks" ay naisipan kong magsalita ng tagalog dahil alam ko na ito'y magiging mataimtim at ito'y tatagaos sa puso ng aking mambabasa. Hindi naman sa nagbibiro pero seryoso kong sinasabi na maraming akong natutunan sa aking guro. Para sa dalawang linggo kong pag-aaral ng Routing Information Protocol(RIP) ay natutunan ko na ito'y medyo madali kaysa sa natutunan ko noong nakaraang dalawang linggo na gumagamit ng "Static Routing" kung saan kailangan magkakaroon ng komunikasyon ang dalawang computer na konektado sa kani-kanilang router na nakonekta sa isang router na gagawa ng isang mahabang komunikasyon. Kung ihahalintulad mo sa pag-aaral ng database, ito'y tinatawag na isang bridge entity na tumatanggap at nangangasiwa ng komunikasyon sa bawat router na nakakonekta rito. Balik tayo sa RIP, sobrang taas ng ngiti ko sa pakikitungo ko rito dahil ang mga pangitain nito ay sobrang dali sa level na naiintindihan at mauunawaan ko. Nagustuhan ko ang "hop count" kung saan ay ito'y nagpapasa nang komunkinasyon sa ibang mga computer sa bilang ng labing-anim na kung saan ang pinaka-huling laktaw kung hindi pa napupuntahan ang pinaka-destinasyon ay ito'y tutukuyin bilang isang "dead packet" na sinasabing wala nang kwenta ang komunikasyon. Pinapansin rin nito ang ang iba't ibang oras sa pagdating ng komunikasyon; simula tayo sa "Hold down timer:" kung saan naghihintay ito ng tatlong minuto, pagkatapos noon at babasahin ang kumunikasyon. "Flash Timer:" kung saan ito ay nagdagdag ng isa pang minuto na kapareho ng hold down timer. "Invalid Timer:" kung saan ito ay nagbabasa ng anim na beses at kung walang nakita ay ito'y magiging mali. At ang huli, "Update Timer:" kung saan ito'y nagbabasa pagkatapos ng trenta minutos. Oo marami pa akong natutunan pero iigsian ko na dahil pag naglagay ako dito ay sinisigurado ko na tama at ito'y aking nasiyasat at napag-aralan ng husto, yung tipong nagresearch. Tatapusin ko na itong "Learning Log" pero bago iyon, mag-iiwan ako ng mensaheng galing sa puso na hindi pa nagtatanghalian upang pag-isipan ito. MARAMING SALAMAT PO SIR JUSTIN!!!! dahil sa inyong mga turo ay mas naunawaan ko ng mataimtim ang buong katauhan pag sinabi ang salitang "INTERNET", dati kasi hindi pag connected sa wifi yun na yun, pero dahil sayo sir ngayon ay alam ko na kung paano mag-ayos ng ip address, DNS, Default Gateway, etc. Salamat Sir! Mag-iingat ka lagi. ^_^
No comments:
Post a Comment